Ipinagharap na ng kaso ang tatlong lalaking suspek sa umano'y panggagahasa at pagpatay sa isang transgender  na si Norriebi Tria, alyas Ebeng Mayor, sa Quezon City, kamakailan.

Ang tatlo ay kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar na sina Zander Dela Cruz, 22; Joel Loyola, alias Nonoy Sablay, 30; at Richard Elvin Araza, 3

Ayon kay Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit chief, Elmer Monsalve, isinampa na nila ang kasong rape with homicide and robbery nitong Sabado.

Sinampahan din si Loyola ng hiwalay na kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Nag-ugat ang kaso nang matagpuan ang pugot na bangkay ng biktima sa bakanteng lote Barangay Batasan Hills, nitong Mayo 20 matapos mai-report ang tatlong araw na pagkawala nito.

Jun Fabon