CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Patay ang isang pulis na nakabaril sa kanyang asawa sa gitna ng kanilang pagtatalo matapos umanong barilin ng kanyang biyenan sa Barangay Aduas Norte ng lungsod, nitong Sabado ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilala ni City Police chief, Lt.Col. Barnard Dasugo, na si Corporal Marlon de Guzman na nakatalaga sa Aliaga Municipal Police Station.

Sa ulat, kaagad na binawian ng buhay ang bktima dahil sa apat na tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa Good Samaritan Hospital ang misis ng biktima na si Jane Narie Manigao-deGuzman, sanhi ng tama ng bala sa kanang braso na umano'y kagagawan ng biktima.Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Alberto Manigao, 65, negosyante, at taga-naturang lugar.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bago ang insidente, narinig ng suspek ang isang putok ng baril sa loob ng kuwarto ng mag-asawa kung saan nagtatalo ang mga ito.

"Nakita raw po ng suspek na may sugat sa braso mula sa tama ng baril ang kanyang anak, then sinubukan daw i-pacify 'yung victim pero hindi nagpaawat hanggang sa maagaw ang baril at ipinutok sa manugang na pulis. Siguro dahil nakitang nasaktan at sugatan 'yung kanyang anak, eh instinct na po ng sinumang magulang na ipagtanggol ang anak," sabi pa nito.

Gayunman, nilinaw ng ay hawa ng kaso na si Corporal Cristo Rey Buan, na binawian ng buhay ang biktima dahil sa isang tama ng bala sa pagitan ng sintido ng biktima. "Isang tama lang po ng bala ang tumama malapit sa sintido ng biktima and he was shot at close range based on the entry of the bullet wound, pero apat na basyo po ng bala ang nakuha sa scene of the crime," aniya.

"Subject pa rin po ng imbestigasyon kung sinong nagpaputok," pagdidiin pa nito.

Ariel Avendaño