Pansamantalang itinigil ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pagbabakuna matapos na maubos ang Pfizer-made vaccine nito dahil sa dami ng mga residente.
Dahil dito, sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na hindi na muna sila tatanggap ng text message sa mga nais magpa-schedule para mabakunahan sa Caloocan City North Medical Center.
Mag-aabiso aniya ang lokal na pamahalaan sa oras na dumating na sa bansa ang karagdagang doses ng bakuna.
Matatandaang dinumog ng mga residente ang unang arangkada ng pagbabakuna ng lungsod kung saan unang nakinabang ang mga senior citizen at mga may comorbidities.
Orly Barcala