Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Malacañang na baguhin ang mga pananalita, reaksyon nito at manindigan kaugnay ng usapin sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS). 

“Bakit kung makapagsalita sila sa Palasyo ay para na silang mga talunan? Bawiin nila dapat ‘yan dahil ang China lang ang nasisiyahan at nakikinabang sa mga pahayag na ganyan. Kaya siguro hindi mahikayat umalis ‘yung higit 200 na barkong nagkalat sa WPS dahil naririnig ang mga sinasabi ng Palasyo,”aniya.

Aniya, nakakawalang-ganaang pamahalaankung ang ating pagkapanalo noong2016 ay sasabihin lang na isang pirasong papel nadapat ibasura.

“Hindi puwedeng iba-iba at bara-bara ang posisyon at aksyon natin. We are trying to assert our claim against a rising regional power that has never wavered in its irreverence for basic courtesy and international law. We must show a united front against the threats of China,” dagdag pa nito.

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila

Leonel Abasola