Bigong makausad ang Pinoy tandem nina Roberto Gomez at Jeff De Luna sa World Cup of Pool semi-finals matapos matalo ng nakatunggaling pares mula Estonia sa larong idinaos sa Stadium MK, Milton Keynes sa England.
Matapos gulantangin ang American pair nina Billy Thorpe at Skyler Woodward, 7-5, hindi nakalusot ang Filipino duo kina Estonian Denis Grabe at Mark Magi, 4-9 sa quarterfinals.
Naiiwan ng mga Estonians, 1-6, nagwagi ng isang rack sina Gomez at De Luna para tapyasin ang bentahe sa 6-2.
Naipanalo ng Estonia ang sumunod na rack bago nanalo pa ng dalawa ang mga Pinoy upang ibaba ang lamang sa 7-4.
Gayunman, hanggang doon na lamang ang kanilang inabot dahil tuluyan ng inangkin ng kanilang kalaban ang tagumpay.
Marivic Awitan