May mainit-init na chikang nasagap ang Balita sa ating source tungkol daw sa isang sikat na aktor (SNA) na nagwo-work exclusively sa isang network. Aba’y tunay nga raw maganda ang bahay nito dahil kabilang ang haybol niya sa naggagandahang bahay sa loob ng kilalang subdivision sa Quezon City.

Kuwento pa ng source, mahigpit daw ang mga bodyguards ni SNA lalo na kapag napapadaan ka sa labas ng bahay nito. Minsan nga raw may mga grupo na nagwo-work doon ang napadaan sa bahay ni SNA. Mantakin ninyo bawal daw tingnan ang pamamahay ni SNA dahil tiyak sisitahin kang tunay. Aba ganoon kahigpit? Malamang naman sa ganda ng bahay ni SNA e talagang mapapa-second look ka talaga. Sunod-sunod na tanong ng source, “Kasalanan ba iyon? Masama bang mag-appreciate ng bahay lalo’t sikat ang nakatira doon?” Minsan nga raw yung isa sa grupo na napadaan doon ay napayuko na lang daw, aba’y sinita agad-agad akala raw dumura. Kaya nga raw yung isang bagong titira sa subdivision na iyon kapag napapadaan daw sila bahay ni SNA diretso raw ang tingin nila at hindi lumilingon or else masisita ka raw talaga ng bodyguards ni SNA. Aware kaya si SNA sa ganyang sitwasyon?

Ang nakapagtataka bakit daw bawal tingnan ang bahay ni SNA. Gayong hindi naman daw ganoon ang mga kapitbahay nito tanging ang bahay ni SNA lang ang may ganoong paeklat. May pagkakataon pa nga raw na pinabalik sa ibang gate yung dadaan doon. Ayaw daw ni SNA ang mga taong dumadaan sa gate na malapit sa bahay niya. Bulung-bulungan tuloy daw doon sa lugar ni SNA ang hindi magagandang feedback tungkol sa kanya.

Kabaliktaran naman daw ito sa dalawang komedyante na kapitbahay ni SNA dahil magigiliw raw ito sa mga taong napapadaan at nakikita sila. Katunayan nga raw willing yung isang komedyante na magpa-picture basta naka-facemask at naka-face shield. Aba MABABAIT!

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Si SNA ay mahusay na aktor kaya hindi siya nababakante sa mga projects. Yun na! 

Dante A. Lagana