Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ang desisyon at rekomendasyon ng mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ay mas pakikinabangan ng mga taga-National Capital Region (NCR) sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isa isang pagpupulong nitong Miyerkules ng gabi na dinaluhan ng mga kinatawan ng Department of Health at ng National Economic and Development Authority, sinabi nito na ito ay para sa importansya ng balanse sa kalusugan, kaligtasan ng publiko at ng ekonomiya.

Gayunman, nagpasya ang MMC na panatilihing confidential ang rekomendasyon.

"The body agreed to keep the recommendation confidential. This same recommendation will be presented to the IATF (Inter-Agency Task Force) at its meeting today, which in turn will be presented to President Rodrigo Duterte who have the final say on the matter," pahayag pa ni Abalos nitong Miyerkules.

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Bella Gamotea