Hinimok ng isang lider ng Simbahang Katolika ang mga botante na kilalaning mabuti at suriin ang track record ng mga kandidatong kanilang ihahalal sa darating na 2022 Presidential elections.
Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, mahalagang matiyak ng mga botante na ang mga kandidato ay nagtataglay ng pangunahing katangian, kabilang na ang pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan.
“My advice for our voters would be to get to know the candidates, and their track record. They must have the following-qualities: Maka-Diyos, makatao, maka- bayan at maka-kalikasan,” ayon sa obispo.
Ang presidential elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa May 9, 2022.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Commission on Elections (Comelec) na matutuloy ang halalan kahit pa patuloy pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Mary Ann Santiago