TAYABAS CITY, Quezon- Patay ang pasahero at drayber ng isang tricycle makaraang makasalpukan ang isang jeep nitong Lunes ng gabi sa by-pass road ng Barangay Ilayang Nangka, dito.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Arnold Gonzales, 41, drayber ng tricycle, at residente ng Bgy. Mateuna ng nasabing bayan, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng kanyang pasahero.

Dakong 7:20 ng gabi minamaneho umano ni Ryan Enriquez, 39, drayber, at residente ng San Lorenzo Village, Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon ang jeepney na may plakang DAM 2750 at binabagtas ang kahabaan ng by-pass road nang pagsapit sa makipot na tulay ay nabangga nito ang tricycle ng mga biktima.

Kapwa naisugod pa ang dalawang biktima sa pagamutan, ngunit hindi na umabot ng buhay ang dalawa dahil sa tinamong sugat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damaged to property ang kakaharapin ni Enriquez.

Danny Estacio