Kinilig si Kris Aquino sa sorpresang pagbisita sa kanya ng anak na si Josh Aquino para sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kris na sinorpresa siya ng kanyang dalawang anak, sina Josh at Bimby, ng flowers and balloons gabi bago ang Mother’s Day nitong Sabado, Mayo 8.

“They SURPRISED me last night! Bumisita yung Tarlac resident! i told all of you i’ll only post them pag yung occasions when regular, normal people would post their kids… it’s mother’s day! and i thank God, He chose me to be their mama!” caption sa post ni Kris, nitong Linggo, Mayo 9.

Pagbabahagi ng Queen of all Media, enjoy ngayon si Josh sa pananatili sa Tarlac kasama si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Robert Requintina