ni BELLA GAMOTEA
Umarangkada na ang inisyal na pagbabakuna ng Sputnik V kontra coronavirus disease 2019 sa Muntinlupa City at Taguig City, ngayong Miyerkules.
Dakong 10:00 ng umaga nang simulan ang initial vaccination rollout ng Sputnik V sa Muntinlupa City na dinaluhan pa ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Pinuri ni Abalos ang kolaborasyon ng lokal na pamahalaan at ng mga pribadong ospital sa lungsod upang tiyaking maayos ang pangangasiwa ng mga bakuna na kailangan mailagay sa -18 degree Celsius.
Ayon pa kay Abalos, handa na Metro Manila para sa pagdating ng mga bakuna mula sa iba’t ibang bansa sa mga susunod na linggo.
Dakong 1:00 ng hapon kahapon nang umpisahan ng Taguig City Government ang pagtuturok ng Sputnik V sa mga A1 Group sa Lakeshore Vaccination hub.