ni BERT DE GUZMAN

Hiniling ni Speaker Lord Allan Velasco sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na (IATF) i-prayoridad ang National Capital Region (NCR) Plus at ibang pang kabisera (urban centers) na may mataas na kaso ng coronavirus sa pagbabakuna upang masugpo ang lalong pagkalat ng sakit.

Gayunman, sinabi ni Velasco na ito ay isasagawa lamang kapag ang lahat ng medical frontliners sa bansa ay nabakunahan na.

"Habang hinihintay natin ang mga suplay ng bakuna, hinihiling namin sa IATF na i-prioritize ang NCR Plus at iba pang urban centers sa vaccine rollout upang masawata natin ang pagdagsa ng bagong mga impeksiyon sa nasabing mga lugar," ani Velasco.

National

Palasyo, hinamon si Magalong hinggil sa anomalya ng GAA: ‘Ibigay ang mga ebidensya!’

“But first and foremost, let us vaccinate all 1.7 million health care workers all over the country to make sure they are protected against COVID-19,” dagdag ng Speaker.

Bukod sa NCR Plus, sinabi ni Velasco na dapat ding bigyang-prayoridad ng pamahalaan ng sapat na alokasyon ng bakuna ang Mega Cebu, Davao, Cagayan de Oro at iba pang regional centers sa buong bansa.

Ang NCR Plus ay binubuo ng mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. Nakararanas ang mga ito ng pagdagsa ng COVID-19 cases bunsod ng mas nakahawang coronavirus variants.