MAS matimbang ang kalusugan kesya sa National team slots para sa mga premyadong volleyball players sa bansa.

Sa pangunguna ni dating two-time UAAP MVP Alyssa Valdez, hindi nakilahok ang mga nangungunang women’s volleyball players sa bansa sa isinagawang ‘bubble’ tryouts ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) simula kahapon sa Subic.

Umabot lamang sa 17 sa kabuuang 40 inimbitahang players ang sumipot sa naturang tryouts.

Inamin ni PNVF national team commission chief Tony Boy Liao na marami ang nag-alinlangan na makilahok sa tryouts dahil sa kasalukuyang pandemic.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

"Some players from the PVL clubs are not joining the tryouts … due to COVID-19 (concerns). They have cited health concerns as their reason," paliwanag ni Liao.

Magkagayunman, itutuloy pa rin nila ang tryouts.

Lahat ng mga manlalarong sumali sa tryouts ay sumailalim sa RT-PCR tests bago sila pumunta ng Subic.

Bukod kay Valdez, di rin nakalahok sa tryouts sina Petro Gazz spiker Myla Pablo, F2 Logistics spiker Kalei Mau at iba players ng mga teams na pag-aari ng Rebisco -- ang Creamline at Choco Mucho Jia Morado,Risa Sato, Kat Tolentino, Bea de Leon, Maddie Madayag at Denden Lazaro.

Samantala bukod sa pag-iingat dahil sa COVID-19 pandemic, pangunahin ding inaalala ng mga players ang kawalan nila ng ensayo at karamihan sa kanila ay wala sa kundisyon.

Halos lahat naman ng mga inimbitang players para sa beach volleyball teams at men's indoor team ay inaasahang makakadalo maliban kay star spiker Bryan Bagunas na nauna nang nagsabi na di makakadalo dahil may iniinda itong injury. Marivic Awitan