ni FER TABOY
Arestado ang isang nursing student matapos maaktuhan na gumagamit ng marijuana sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Daraga, Albay.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 ang isang 31-anyos na nursing student, matapos dakipin ng isang barangay tanod sa Barangay Ilawod, na mahuli nito sa akto na humihithit ng marijuana sa isang nakaparadang jeep sa Daraga-Cumadcad terminal.
Narekober pa sa suspek ang isang piraso ng tuyong dahon ng marijuana at iba pang drug paraphernalia.
Ayon sa awtoridad, nagpahayag na rin ng pagsisisi ang naturang estudyante subalit nanindigan na kinakailangan na kaharapin ang pananagutan sa batas.