ni MARY ANN SANTIAGO

Maging ang mga Pinoy na nanggagaling  sa India, kung saan nagkakaroon ng surge ng COVID-19 cases sa ngayon, ay hindi na rin muna papayagang pumasok sa Pilipinas.

Ito ang ipinaalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko, kasunod na rin ng anunsiyo ng Malacañang na ipagbawal muna ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa India o yaong may travel history mula sa naturang bansa.

Naiulat na magtatagal ang temporary travel ban sa loob ng dalawang linggo o mula Abril 29 hanggang Mayo 14.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sa ngayon parang napagdesisyunan that even our fellow Filipinos hindi muna natin papapasukin for this temporary period na sinasabing 14 araw o 2 linggo,” ani Vergeire, sa isang virtual briefing na idinaos nitong Miyerkoles.

“This is just so we can be able to ensure na ma-guard natin 'yung borders natin. Lahat po yan ita-transmit as advisory especially for fellow Filipinos who would wish to go home coming from this country,” paliwanag pa ni Vergeire.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang naturang Indian variant, na unang na-detect sa India at may mutations sa spike protein nito, ay natukoy na sa 17 bansa.