ni JOSEPH PEDRAJAS

Nanawagan kahapon ang Quezon City government sa mga pumila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin nitong Biyernes na sumailalim sa libreng coronavirus disease (COVID-19) swab testing.

Ito ay sa pangamba ni City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) head Dr. Rolando Cruz, na posibleng nagkaroon ng hawaan sa idinaos na community pantry.

Apela ni Cruz, maaaring magtungo sa kanilang tanggapan ang mga residente kapag nagkaroon sila ng mga sintomas, katulad ng lagnat at ubo matapos ang insidente ng paglabag sa health protocols.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” dagdag pa ni Cruz.