ni Mary Ann Santiago
Nagpositibo muli sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si dating San Juan Mayor Guia Gomez.
Mismong ang kanyang anak na si dating Senador JV Ejercito ang nagkumpirma ng malungkot na balita nitong Biyernes ng gabi sa kanyang social media account.
Sa kanyang tweet, humihingi rin si Ejercito ng panalangin mula sa publiko para sa agarang kagalingan ng kanyang ina.
Umaasa rin siya na magiging mas mild ang sakit ng ina ngayon.
“Please pray for my mother, who again has tested positive for COVID.Hoping this time it will be milder,” panawagan ni Ejercito. “Walang katapusan.”
Matatandaang una nang nagpositibo sa COVID-19 si Gomez noong 2020 at nakarekober nitong huling bahagi ng Disyembre.