ni Fer Taboy
Patay ang isang lalaki na wanted sa kasong rape matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Solano, Nueva Vizcaya,sinabi ng pulisya kahapon.
Batay sa report ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office(NVPPO), nasa gitna ng booking procedure ng kanyang kaso si Delmar Cadiente, 31-anyos, nang agawin umano nito ang armas ni police Cpl. Mark Galut.
Inamin ni Police Capt.Jet Sayno,hepe ng Solano Municipal Police Station (SMPS)na pinaputukan niya si Cadiente matapos daw nitong tutukan ang pulis na inagawan niya ng baril.
Pero sumubok pa raw manlaban ang suspek kaya nagkapalitan sila ng putok ng pulisya.
Agad na isinugod sa ospital si Cadiente pero idineklara ring dead on arrival.
Inaakusahan ng panggagahasa ng isang 3-tatlong gulang bata si Cadiente.
Ayon sa pulisya, iniulat ng nanay ng menor de edad ang insidente matapos umano nitong ituro ang suspek na nanggahasa sa kanya.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malapit lang sa bahay ng biktima ang tinutuluyan ni Cadiente