ni Mary Ann Santiago

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagho-home service na lamang ng COVID-19 vaccine sa mga residente ng Maynila na ‘bedridden’ na o hindi na makalakad.

Inatasan ni Moreno si barangay bureau head Romy Bagay para ipabatid sa mga barangay chairman ang memorandum na nagsasabing hanapin at ilista ang lahat ng walang kakayahang makapunta sa vaccination sites para sa sisimulang home service vaccination sa darating na Biyernes.

Layunin nito na mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19 ang lahat ng sektor, lalo na ang mga hindi na makalakad.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Nanawagan rin si Moreno sa sinumang mga kasama sa bahay na magtungo sa kanilang barangay at ipatala ang kanilang bedridden household members.

Kailangang nakalagay sa listahan ang pangalan ng guardians o caregivers, complete address, contact number at email address, kung mayroon.

Ipadadala naman ng barangay ang listahan sa[email protected]sa loob ng 48 na oras matapos ang inihaing request, anumang edad.