ni Mary Ann Santiago
Iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno na halos okupado na rin ang mga karagdagang hospital beds sa mga health facilities sa lungsod, na inilaan ng lokal na pamahalaan para sa mga COVID-19 patients.
Ayon kay Moreno, nagdagdag pa ang kanilang anim na city-run hospitals ng kabuuang 523 pang hospital beds para sa COVID-19 patients, karagdagan sa 972 existing beds.
Gayunman, sa ngayon aniya ay 75% na dito ang okupado na rin ng mga pasyente.
Aminado naman si Moreno na nakakapangamba ito dahil patuloy pa ring dumarami ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 sa lungsod.
“Out of the 523 COVID beds, 75% na kami (na okupado). Malapit na kami. Medyo scary yun,” anang alkalde, sa panayam sa telebisyon.
Kaugnay nito, iniulat rin ng alkalde na marami na ring pribadong pagamutan sa lungsod ang puno na rin ng pasyente ng COVID-19.
Nabatid na inatasan ng Department of Health (DOH) ang mga pagamutan na dagdagan pa ang kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients ng 50% matapos ang naitalang surge ng COVID-19 cases