ni Mary Ann Santiago

Pumayag ang aktor na si Coco Martin, na kilala bilang si Cardo sa kanyang sikat na Kapamilya seryeng Probinsyano, na libreng ikampanya ang vaccination information campaign ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, pumayag si Martin na makasama niya sa video info drive ng libre.

Hindi na aniya siya nagdalawang-salita pa sa aktor nang alukin itong tulungan sila sa kanilang info drive, dahil nais talaga nitong maglingkod sa publiko.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Nabatid na sa pagnanais na makalikha ng herd immunity, aktibong nangangampanya sina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa 50-segundong video na pagsasamahan nina Moreno at Martin ay hihikayatin nila ang mga mamamayan na huwag nang mag-atubili sa pagpapabakuna.

Labis namang pinasalamatan ni Moreno si Martin sa kanyang suporta sa kampanya ng lungsod laban sa COVID-19.

Nanawagan rin namang muli si Moreno sa lahat ng mga residente na magparehistro na sawww.manilacovid19vaccine.phupang makapag-avail ng libreng bakuna at magkaroon ng proteksiyon kontra sa virus.