ni ORLY L. BARCALA

Nagpabakuna na rin si Navotas City Mayor kontrasa COVID-19 upang maenganyo at mawala ang agam-agam ng kanyang mga kababayan na safety at walang side effect ang vaccine na binili ng gobyerno.

Binakunahan ang alkalde ng CoronaVac sa San Jose Academy nitong Martes ng hapon, kahit pa siya ay may asthma.

Bahagi ang alkalde sa A3 person with comordibities o may sakit sa Navotas City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magugunita na pinayagan ng InterAgency Task Force (IATF) ang mga alkalde na nasa high risk areas sa priority list na mabakunahan.

Hinikayat din ni Mayor Tiangco ang iba pang residente na magpabakuna laban sa COVID-19, upang magbalik normal na ang pamumuhay sa lungsod na isang taon ng mahigit na pinahihirapan ng pandemya.

Nitong nakalipas na Linggo si Valenzuela City Mayor Rex T. Gatchalian ay nabakunahan na rin ng Sinovac vaccine.