ni CARLA BAUTO DEÑA

Tatlo ang nasugatan habang 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na lumamon sa 100 bahay sa Sitio Tibag, Barangay Panapaan III, Bacoor City nitong Martes.

Tatlong tao ang nagtamo ng minor injuries at binigyan ng agarang lunas ng emergency medical services team.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Mayor Lani Mercado-Revilla na ang mga nasunugan ay kasalukuyang sumisilong sa Gobernador P. F. Espiritu Elementary School.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsimula ang sunog bandang 1:25 ng hapon at umabot sa ikatlong alarma bago naapula bandang 3: 24 ng hapon.

Bukod sa tatlong fire trucks ng local Bureau of Fire Department, 15 fire engine rin mula sa kalapit na mga lungsod at munisipalidad at 39 na mga volunteer trucks ang tumugon sa insidente. Idineklara ang fire out dakong 3:57 ng hapon.