ni FER TABOY

Umaabot sa mahigit P210 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa isang napatay na drug suspek sa La Piñas City sa isinagawang drug bust operation.

Kinilala ang napatay na mga suspek na sina Coco Amarga at Andrew Garcia ng Barangay Almanza, Las Piñas City.

Sa report na tinaggap ni PNP Chief General Debold Sinas, bumili ang mga kapulisan na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P1 milyong halaga ng shabu subalit nagpaputok ang mga suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaagad na gumanti ng putok ang mga pulis at napatay nila ang dalawang suspek.

Nakuha rin sa crime scene ang dalawang cal. 45 na baril.

Hinala ng pulisya na galing sa Pampanga ang droga at ito ay nakatakdang ibenta sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Itinuturing din ng mga kapulisan na mga bagong mukha ang mga napatay na suspek dahil hindi sila kasama sa drug watchlist ng PNP.