ni Liezle Basa Inigo

Nakamamangha na naligtas sa aksidente si  Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan makaraang bumaligtad ang minamaneho nitong sasakyan na bumangga sa isang trailer truck sa Barangay San Miguel, Luna, Isabela.

(PNP Photo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Ayon sa report dakong 2: 50 ng hapon nitong Lunes nang masangkot sa aksidente ang isang Isuzu trailer truck na minamaneho ni Ryan Tamayo, 28, ng Bgy. Peñablanca, Cagayan sa sasakyan na Ford ranger pick up, na minamaneho ni Bishop David William Antonio ng Bgy. Upi, Gamu, Isabela.

Nasa tapat na ng isang grains center ang gulong nito at naagaw ang linya trailer truck.

Bumaligtad ang sasakyan ni Bishop at himala na hindi ito nasugat sa katawan.

Nagkasundo ang dalawang panig na magkaaayos na lang ayon sa PNP, PCpl. Ardie Mateo.