ni Mary Ann Santiago
Tiniyak ni Alatau Bishop Rolando Santos na nasa mabuting kalagayan at nakabalik na ang Filipinong misyonero na biktima ng karahasan sa Papua, New Guinea.
Ayon kay Santos, ligtas na ang Vincentian priest na si Fr. Manny Lapaz, at muling nakapaglingkod sa parokya.
“Thank God he [Fr. Manny] is already out of danger and back in his parish in Wapipi, Trobriand Islands, for the Holy Week,” ani Santos, sa panayam ng church-run Radio Veritas.
Sa impormasyong ibinahagi ng obispo, nabatid na Marso 19 nang pasukin ng 15 kriminal ang tirahan ni Fr. Manny Lapaz sa Alotau, kung saan pinagnakawan na ito ay malubha pang sinaktan ng mga kriminal.
“The rascals intended to kill him but one of them intervened and saved Fr. Manny. No report yet of any arrests made by the police,” anang obispo.
Nabatid na si Fr. Lapaz na tubong Cebu, ay baguhang misyonero sa lugar at kasalukuyang superior ng Vincentian community sa ilalim ng International Mission na nakabase sa Roma.
Sa pagtaya ng obispo, umabot sa halos P1.5 milyon ang nawalang ari-arian at nasira sa paglusob ng mga kriminal sa tahanan nina Fr. Lapaz.
“Caritas Papua New Guinea is giving us some help to recover what was stolen and damaged by the rascals,” dagdag pa ng obispo.
Inilarawan ni Bishop Santos ang malubhang kalagayan ng peace and order sa lugar kung saan naninindigan itong higit na isulong ang pakikipagdayalogo upang matamo ang pagkakaisa sa pamayanan.
"The peace and order situation here in Alotau and Milne Bay Province has deteriorated sharply over the last four years; The local police are outnumbered and outgunned by the rascals," giit pa ng obispo.
Si Bishop Santos na tubong Malabon ay nanilbihang obispo sa Alotau Papua New Guinea sa loob ng isang dekada makaraang italaga ito ni Pope Emeritus Benedict XVI noong Abril 2011.