ni Light A. Nolasco

Pansamantalang isinara ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical Center ang Out-Patient Department nitong Lunes dahil sa mga nagdadagsaang COVID-19 patients mula sa  probinsya ng Bulacan, Pampanga, at iba naman ay galing Malabon, Makati at Pasig sa Metro Manila na nagnanais na magpa-admit.

Ayon kay Dr. Lapuz, 73 out of 120 beds lamang ang naka-allocate sa mga infected individual alinsunod sa DOH,

Sinabi ng opisyal na sila ay may 200-bed capacity, pero kulang pa rin at hindi naNmaaaring mai-admit pa ang mga nagdadatingang mga COVID-19 out patients sa PJGMRMC dahil nasa 150% lamang ang non-COVID patients, ani Director Lapuz.

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, Tarlac, arestado na

"Sa  dami ng ina-admit namin, ginamit na namin 'yung tent ng triage sa out patients, baka mahawa pa 'yung pupuntang mga out patients, ayon pa  sa opisyal ng pagamutan.

Nilinaw ni Director Lapuz, na bagaman may emergency patients na gaya ng chemotherapy at OPD cancer patients ay magpapatuloy na maka- katanggap ng serbisyo.

“Yung mga magpapakonsulta lang, mayroong kaming tinatawag na telehealth kung saan ay puwede silang kumonsulta at tutulungan sila ng aming  mga doktor on-line", aniya pa.