ni Raymund Antonio

Hiniling ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na magtayo ng mga field hospitals upang madagdagan ang kakayahan ng mga pasilidad sa kalusugan na tanggapin ang mga bagong pasyente dahil ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 ay patuloy na tumataas sa bansa.

Sa isang post sa Facebook noong Miyerkules ng gabi, hiniling niya sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 Response na “seriously look into the shortage of hospital beds for patients.”

“For almost a week now, we have been receiving distress calls from family members of COVID positive patients who cannot be admitted to hospitals. We have read how many have already died inside tents outside hospitals, waiting to be admitted to the ERs, in ambulances while in transit, at home without receiving any medical help,” aniya.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Iginiit ulit ni Robredo ang kanyang rekomendasyon na “many times over” sa pangangailangan ng bansa na palawakin ang hospital bed capacity “by setting up field hospitals, hiring more health care workers and paying them well, making sure hospitals are equipped with everything necessary to treat patients.”

Iniulat sa social media na ang mga taong may mga sintomas ng COVID at walang sintomas ng COVID ay hindi na makahanap ng mga ospital na maaaring tumanggap sa kanila dahil ang intensive care unit (ICU) at mga isolation bed ng mga ospital ay nasa full capacity na.

Kahit na si dating Pangulong Joseph Estrada ay kinailangan ding maghintay sa emergency room bago siya ipasok dahil ang mga ospital ay nasa full capacity.

Ang mang-aawit na si Claire Dela Fuente ay namatay sa labas ng emergency room dahil hindi na siya kayang tanggapin ng ospital.

Inulit ng bise presidente ang panawagan matapos mapanood ang saklaw ng mga pagdinig ng Committee on Health noong Miyerkules.

Sa pagdinig, nanindigan ang DOH sa datos nito “ that hospitals are not full yet and was insisting that 93 percent of COVID-19 patients have mild symptoms and do not need hospitalization.”

Ipinakita ng case bulletin ng DOH noong Marso 31 na sa National Capital Region (NCR), 79 porsyento lamang ng mga kama ng ICU, 69 porsyento ng mga isolation bed, 61 porsyento ng mga ward bed, at 60 porsyento ng mga ventilator ang ginamit.

“But again, iba yung personal account ng mga families sa sinasabi sa DOH data. If people who don’t need hospitalization are still getting in line in hospitals, there must be underlying reasons. Have we built a system where people who are self isolating at home would still have access to medical help when necessary?,” tanong ni Robredo.

“Most of the people coming to us for help are saying they can’t contact the hotline numbers given. It must be because the system is already overloaded.”

Ang IATF noong nakaraang taon ay nagtatag ng One Hospital Command Center bilang isang sentralisadong sistema ng pagsubaybay sa hospital occupancy, ngunit maraming ulat ang nagsabing hindi nila makontak ang Center.

“Inayos man lang ba yung infrastructure nito?” tanong muli ni Robredo.

Sinabi ng bise presidente na mayroong mga Home Care Medical Packages na kasalukuyang inaalok para sa mga pasyente ng COVID-19 na maaaring mag-quarantine at makatanggap ng paggamot sa bahay.

Gayunpaman, ang ipinag-aalala niya ay ang mga hindi kayang bayaran ang mga package na ito.

“Pasensya na po na makulit tayo about this. People are getting sick and are dying. Bilis bilisan sana natin yung pagtugon kasi sobrang urgent pag buhay ng tao nakataya,” sinabi ni Robredo.