Ni Beth Camia
Lumiit na ang porsyento ng mga Pilipino na naniniwala na napakahalaga ng relihiyon para sa kanilang buhay.
Ito ang naging resulta ng isinagawang survey noong Nobyermbre 21 hanggang 25, 2020 ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey, bumaba ng 10 porsyento o 73% ang puntos mula sa record high na 83% noong Disyembre 2019.
Sa kabila nito, mas mataas pa rin ang resulta sa 69% na naitala noong Hunyo 2019, punto naman ng SWS.
“The national Social Weather Survey of November 21-25, 2020, found 73% of adult Filipinos saying religion is very important in their lives, 9% somewhat important, 3% not very important, and 15% not at all important,” ayon sa resultang ipinalabas ng SWS nitong Miyerkoles.
“The view that religion is very important has been dominant in all SWS surveys since SWS began to track these responses in December 2015. The latest figure of 73% is 10 points below the record-high 83% in December 2019 but 4 points above the 69% in June 2019,” dagdag pa nito.
Sa kabila nito, bukod sa pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na naniniwalang “very important” ang religion ay tumaas rin ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang hindi ganoon kaimportante ang pananampalataya.
Kung noong 2019, 7% ang nagsabing ang relihiyon “not at all important.” Nitong 2020 ay 15% na ang nagsabi nito.
Patuloy rin ang pagbaba ng partisipasyon ng mga mananampalataya sa religious activities kung saan noong 2020, 46% ng kalahok ang nagsabing lingguhan silang dumadalo, 34% ang nagsabing buwanan lang, habang 27% ang nagsabing dumadalo “occasionally”.
“Weekly attendance at religious services, averaged over the entire year, began at a majority 66% when SWS first surveyed it in 1991. It fell to 58% in 1994, the next year with data, and mostly stayed somewhat above 50% until 2012, except in 2008 when it fell to a minority 47%,” paliwanag ng SWS.
“It fell to an average 46% in 2013 and has since then stayed at less than half,” it added. “The 44% annual average weekly attendance at religious services in 2019 is the lowest since the 46% yearly average in 2013, 2014, 2015, and 2017.”