ni Jun Fabon

Bunsod ng ipinatupad na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus ay pinalawig ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabayad ng real property tax hanggang April 20 nitong taon.

Ito ang deadline na ipinaabot ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa lokal na pamahalaan ng Quezon City hinggil sa pagbayad ng real property tax at tax amnesty sa April 20.

Kaugnay ito sa pagpasa ng Quezon City Council ng Ordinance SP 3017, S-2021 na nagtakda ng bagong deadline para sa unang quarter real property tax payment para sa 2021, na inamiyendahan ng Quezon City TaxCode.

National

Magalong, sang-ayon sa ginawang ‘courtesy resignation’ ng mga gabinete ni PBBM

Dulot naman ito sa ipinatupad ng  QC LGU na 'skeleton workforce, alternative work arrangement, at istriktong paggalaw sa loob ng lungsod na isinumite ng mga konsehal sa uang araw ng ECQ.

Iginiit ni Mayor Joy Belmonte, nauunawaan QC govt. ang mga pasanin at mga naranasang paghihirap ngayon ng sambayanan dahil sa pandemya at sa paghihigpit sa community quarantine