ni Fer Taboy

Inihayag ng Philippine NationalPolice(PNP)na mahigit 600 pulis naang na-dismiss sa serbisyo dahil sapagkakasangkot ng mga ito sa ilegalna droga.

Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na mayroon 6I7 ang nasibak na sa tungkulin.

Ayon kay Sinas, ang mga police personnel ay dissmiss sa serbisyo mula Hulyo 2016 hanggang Marso 24, 2021.

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Sa nasabing bilang, 20 dito ang police commissioned officer, 584 ang non-commissioned officer at 13 ang non-uniformed personnel.

Aniya, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa ilan pang mga PNP personnel na hinihinalang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Samantala, sa datos ng PNP mula Hulyo 2016 hanggang Marso 24, 2021 umabot sa 4,974 ang bilang ng mga na-dismiss sa serbisyo dahil sa iba’t ibang kaso.

Nasa 943 naman ang na-demote o bumaba ang ranggo, 8,806 ang nasuspinde, 716 ang na-forfeit ang suweldo, 1,973 ang na-reprimand, 132 ang nabigyan ng restriction, at nasa 242 ang inalisan ng pribilehiyo.

Sa kabuuan, nasa 17,786 errant cops ang na penalize sa PNP internal cleansing campaign.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana ang 17,786 personnel na pinatawan ng parusa ay sangkot sa illegal drug trade, grave misconduct, serious neglect of duty, abuse of authority, irregularities, at human rights violations.

Una nang ipinag-utos ng PNP chief sa mga commanders na magsagawa ng surprise drug testing sa kanilang mga tauhan.