ni Nitz Miralles
WORTH P3 million ang contract ni Andre Paras sa Blackwater para maglaro sa PBA for two years. After Holy Week daw ang pirmahan ng kontrata at official na siyang maglalaro sa PBA. In an earlier interview, sabi ni Andre, hindi niya iiwan ang showbiz kahit nasa PBA na siya, lalo at sanay siyang mag-juggle ng schedule.
Pero sa latest nitong pahayag, parang may nagbago sa kanyang priority dahil sabi ng owner ng Blackwater na si Dioceldo Sy, “He (Paras) said everything is now secondary to his PBA career.”
Ayon naman kay Andre, “And showbiz or hosting makes me happy, basketball makes me happy. And at this point sabay pa rin sila, so I have no reason to choose one, kasi sabay naman po sila-both make me happy, but there might come a time, when I have to choose and I don’t know the answer to that yet.”
So, sino kaya ang mas pipiliin ni Andre kapag dumating ang araw na kailangan na niyang mamili between being a basketball player or being an actor o a host. Sa ngayon kasi,sa pagho-host ng game show na Game of the Gens sa GTV kasama si Sef Cadayona ang pinagkakaabalahan ni Andre.