July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

16-anyos na Boy Scout, pinarangalan sa pagligtas ng buhay ng isang lalaki

16-anyos na Boy Scout, pinarangalan sa pagligtas ng buhay ng isang lalaki
Photo courtesy: Boy Scouts of the Philippines (FB)

Kinilala ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang kanilang 16-anyos na miyembrong sumagip sa buhay ng isang lalaking nalunod sa Kabacan, Cotabato. 

Sa pahayag ng BSP nitong Biyernes, Hulyo 17, ibinahagi  nilang noong nakaraang Linggo, Hulyo 12, natagpuan ang lalaking nalunod na wala nang pulso at hindi humihinga. 

Dito maagap na rumesponde si Scout Rexel Joaquin Codilla Mangliwan, na Corps Commander ng University Laboratory School-Boy Scouts of the Philippines (ULS-BSP), kung saan, agad siyang nagsagawa ng assessment sa kondisyon ng lalaking nalunod at sinundan ito ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).

Habang hinihintay na dumating ang emergency responders, ipinagpatuloy ni Scout Rexel ang pagsasagawa ng CPR sa lalaking nalunod. 

Kalauna’y nagkamalay ang lalaki bago dalhin sa ospital para lapatan ng kinakailangan niyang medical treatment. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Saad sa pahayag, nang tanungin nila kung ano ang umaandar sa isip ni Scout Rexel habang nagsasagawa ng CPR, ibinahagi nito sa asosasyon na nanatili siyang kalmado at umasa sa mga natutunan niya sa kaniyang training upang mailigtas ang buhay ng lalaki.