Ni Edwin G. Rollon

SA anumang sitwasyon ng buhay, asahang may paraan ang MILO para masustinihan ng kabataang Pinoy ang pagkakaroon ng malusog na katawan at mangibabaw sa napiling sports.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Lester Castillo, Asst. Vice President, Marketing ng Nestle Philippines, na patuloy ang promosyon ng MILO sa kahalagahan ng kalusugan sa buhay ng Pinoy sa ‘new normal’ sa pamamagitan ng Milo Champion Habit - PE at Home program.

At kamakailan lamang ay inilunsad ng MILO ang ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy Ang Pagiging Champion’ campaign.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“Sa pamamagitan ng inspirasyong hatid ng mga veteran Olympians ay patuloy naming ipakikita sa mga digital sports program ang kanilang mga determinasyon at pagsisikap. The new program, “Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion” ipinapakita namin ang mga iconic performance ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinasyon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” ayon kay Castillo sa TOPS Usapang Sports on Air via Zoom nitong Huwebes.

Bahagi ng programa, ayon kay Castillo ang pagbibigya kahalagahan ng mga sports icon para mahikayat ang mga batang atleta at home base participants na ituloy ang pagpapalakas ng katawan habang nahaharap sa pandemya.

Ipinahayag ni Castillo na may 15 milyon nang mga kabataan mula sa online digital platform ng Milo ang aktibong kabahagi ng kanilang programa mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.

“Glad to inform you that we reached the 15 million Filipinos participated online and we’re hoping more Pinoy to join us and be inspired by iconic veterans to continue their journey in their selected sports.” “Even with the pandemic, Milo has been reaching out to Deped schools here and nationwide. Last year, a total of 390,000 physical education (PE) kits were distributed to our division offices and schools. Our deep appreciation to Milo for launching this laudable program -- the Milo Champion Habit,” ayon sa datos ng MILO. Ang naturang programa ay masinsin na binuo katuwang ang University of the Philippines College of Human Kinetics. Nakapalood dito ang drills at instructional videos, kabilang ang programa nina taekwondo star Japoy Lizardo at volleyball superstar Allysa Valdez.