ni Nitz Miralles
THIS Monday (March 22), pagkatapos ng First Yaya, ang premiere ng Season 2 ng I Can See You at tampok ang first feature na On My Way To You kung saan magtatambal sina Ruru Madrid at Shaira Diaz. Kasama rin sa cast si Arra San Agustin na minsan nang na-link kay Ruru. Hindi lang nagtagal ang isyu sa kanila dahil naging sina Ruru at Bianca Umali na.
Sa direction ni Mark Reyes, eight days nitong kinunan ang mga eksena lalo na ‘yung sa Mount Purro Nature Reserve na nasa Antipolo, Rizal. Naging mabilis ang trabaho dahil lock-in sila at nakapag-tree planting pa nga ang cast na kasama sa location sa Mount Purro Nature Reserve.
Si Ruru ay si Jerrick na iniwan ng bride niya sa altar noong araw ng kanilang kasal at si Shaira naman ay si Raki na runaway bride, iniwan ang kanyang groom sa araw din mismo ng kanilang kasal. Magkikita ang iniwan at nang-iwan sa mountain lodge kung saan sila pumunta para makapag-isip.
In real life, sabi ni Ruru, hindi siya magiging runaway groom. “Never sumagi sa isip ko na gagawin ko ‘yun, ang iwan ang bride ko sa altar sa araw ng aming kasal. Never akong umatras at hindi aatras. Haharapin ko ng buung-buo dahil kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya iiwan. Ang dami niyo ang na-invest na love sa isa’t isa para gawin ‘yun.”
Ganu’n din ang pahayag ni Shaira, hindi siya magiging runaway bride. “Sobrang sacred ang kasal, sobrang ino-honor ko ang marriage at alam ko bago ako magdesisyong magpakasal, handa na ako sa lahat ng aspeto at walang dahilan kung
sa mismong araw ng kasal namin ay saka pa ako aatras.”
Kaya nga ang suwerte ni Bianca at ang BF ni Shaira na si Edgar Allan Guzman dahil kapag dumating ang araw na ikakasal sila, walang magiging runaway groom at runaway bride.