HELSINKI (AFP) — Simula sa susunod na linggo, isang Finnish commercial health service ang mag-aalok sa mga customer ng “gargling test” para sa COVID-19, iniulat ng Finnish news agency na USU nitong Huwebes.
Sinabi ng ulat na ang mga taong susubukan ay magmumog gamit ang isang karaniwang likido sa asin at iluluwa ito para sa pagsusuri. Ang kasalukuyang pamamaraan ng paggamit ng isang mahabang stick sa ilong ay naisip na masakit para sa marami.
Sinabi ni Piia Aarnisalo, ang direktor ng laboratoryo sa Terveystalo, isang nangungunang healthcare service provider na may punong-tanggapan sa Helsinki, ay nagsabi sa USU na ang sample ay susubukan sa karaniwang pamamaraan ng PCR tulad ng mga pagsusuri sa ilong.
“But with gargling, the sample comes from further down in the throat, where the viruses abound more than in the mouth.”
Ang gargling COVID-19 test option ay ay dating nang nakikita sa ilang bansang European, na itinuturing ng ilang researchers bilang viable alternative sa nostril o throat swab dahil sa madali itong kolektahin at magpapahinga sa medical workers.