July 18, 2026

Home BALITA Probinsya

Effusive eruption, naitala ng Mayon sa 189 na magkakasunod na araw

Effusive eruption, naitala ng Mayon sa 189 na magkakasunod na araw
Photo courtesy: PHIVOLCS-DOST


Nagpapatuloy sa ika-189 na magkakasunod na araw ang pagiging aktibo ng Bulkang Mayon, batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong umaga ng Lunes, Hulyo 13.

Batay sa PHIVOLCS, naitala sa nasabing bulkan ang “lava effusion” na may “collapse-fed pyroclastic density current” (PDC) dakong 6:31 hanggang 6:46 ng umaga ngayong araw.

Bunsod ng aktibidad ng Mayon, nagpapatuloy ang lava flows, paglabas ng PDC o uson, at rockfalls nito.

Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa bulkan—kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone nito.

Iginiit ng PHIVOLCS na patuloy silang magbibigay ng update kaugnay sa kalagayan ng bulkan.

Probinsya

Karne ng aso, positibong inihahain sa restaurant sa Benguet!