Ni STEPHANIE BERNARDINO
PRESENT ang aktres na si Julia Montes sa digital premiere ng bagong proyekto ni Coco Martin, ang pelikulang Love or Money.

Maging sa Instagram ay ipinromote din ni Julia ang pelikula ng 39-anyos na action star katambal si Angelica Panganiban, na maaari nang ma-stream ngayon sa iba’t ibang platforms.
Sa post, binati ni Julia ang buong team na nasa likod ng pelikula. Habang ibinahagi naman ng Star Cinema na isa ang aktres sa mga dumalo sa digital world premiere ng pelikula nitong Marso 11.
Kabilang naman sa ibang guests sina Judy Ann Santos, Angel Locsin, Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Ogie Alcasid, Angel Aquino, John Prats, Janine Gutierrez, Sunshine Dizon, Maxine Medina, Zanjoe Marudo, at Yassi Pressman.
Hindi naman ito ang unang beses na inimbita ni Julia ang kanyang followers na panoorin ang movie ni Coco, na directed by Mae Cruz-Alviar at written by Crystal San Diego.