Ni ADOR V. SALUTA

 NATAWA lang si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa comment ng ilang netizen na magkahiwalay daw sila ng tulugan ng asawang si Heart Evangelista.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Ang sagot ni Gov.Chiz sa post, “Haha... True!!! When I am in Sorsogon and @heart021485 is in Manila... Ang dami po ng problema ng ‘Pinas, research pa more po ng mas makabuluhan at may pakinabang na pag-uusa­pan...Ang dami po ng problema ng Pinas, research pa more po ng mas makabuluhan at may paki­nabang na pag-uusapan.”

Nagbigay naman ng detalye si Heart sa kanyang YouTube vlog sa kung ano ang setup nila ni Chiz bilang mag-asawa..

Ayon kay Heart na apat na araw sa isang linggo ang ginugugol ng asawa sa Sorsogon bilang governor. Isa nga raw ito sa dahilan kung bakit hindi sila magka-baby?

“Kasi nga kapag dumadat­ing si Chiz, tapos na ‘yung week na fertile ako. Nakakainis. It’s not easy to get pregnant ha. You only have a few days, the window is like three to five days. Kapag nagka­bagyo, nandoon si Chiz [sa Sorsogon]. Selfish ba ako?” ayon sa kanyang YT vlog.

“Kapag nandoon siya, magda-drive siya ng nine hours para nandito siya the next day sa window na pwede akong mabuntis? Mahirap talaga ang situation. After the pandemic guys, hintay na kayo. Stop asking if I’m buntis because I’m not,” share pa ng aktres.