ni Marivic Awitan

NAKOPO ni Filipino karateka at World No.1 e-Kata James De los Santos ang ikalimang gintong medalya ngayong taon nang pagbidahan ang Budva Winner Aria Cup #1 eTournament.

Ginapi ni De los Santos ang Amerikanong si Alfredo Bustamante, 24.9-24.6, sa gold medal match base sa resultang inilabas noong Biyernes.

Nakakuha ng first round bye si De los Santos sa nasabing 5-man event na nagbigay sa kanya ng outright semifinal seat.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

Sa semifinals, tinalo nya si Amund Hillestad of Norway, 25.3-22.8, upang umusad ng finals.

Gaya ng kanyang mentor na si De Los Santos, patuloy din sa pag-ani ng tagumpay si Fatima Hamsain sa female under-16 category kung saan.muli itong nagwagi ng gold matapos gapiin si Jelizaveta Vasiljeva ng Latvia sa finals, 24-23.4.

Nakatungtong din ng finals ang isa pang estudyante ni De los Santos na si Christine Colonia sa female under-18 category,pero silver lamang ang nakamit nito matapos yumukod kay Lea Gomolka ng Germany, 23-22.7.