Ni JONATHAN HICAP

KABILANG ang Filipino film na Mindanao at Korean movie na The Man Standing Next sa 93 entries eligible for consideration sa International Feature Film category para sa 93rd Academy Awards.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Inanunsiyo ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) ang mga pelikulang maaaring makonsidera para sa Animated Feature Film, Documentary Feature at International Feature Film categories para sa Oscars ngayong taon na gaganapin sa Abril 25.

Ayon sa AMPAS, 93 bansa ang nagsumite ng entries para sa International Feature Film category, na dating Best Foreign Language Film.

Pinagbibidahan ang “Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon habang si Lee Byung-hun ang bida sa “The Man Standing Next.”

Mula sa depinisyon ng Academy ang international feature film ay “a feature-length motion picture (more than 40 minutes) produced outside the United States with a predominantly (more than 50 percent) non-English dialogue track.”

First-time entrants ngayong taon ang Lesotho, Sudan at Suriname.

Mula 10 nagdesisyon ang Board of Governors ng AMPAS na dagdagn ang shortlist at gawin itong 15 pelikula.

Nakatakdang ianunsiyo ang shortlist sa Pebrero 9 habang sa Marso 15 naman iaanunsiyo ang nominasyon para sa 93rd Academy Awards.