PINARANGALAN ng Philippine Air Force nitong Lunes si two-time Southeast Asian Games triathlon gold medalist Nikko Huelgas.

HUELGAS: Tuloy ang ayuda sa maralita

Kinilala ng PAF ang ginagawang community services ng 29-anyos Chooks-to-Go ambassador para matulungan ang mga kababayan na maibsan ang pighati dulot ng coronavirus pandemic.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Sa nakalipas na mga araw, aktibo si Huelgas sa ‘relief operations’ sa mga nasalantan ng kalamidad sa Tarlac, Bulacan, Tingloy Island, at Albay.

“We had some rough days in 2020 when we’d wake up early and arrive home late from our relief operations, bringing our goods to hard to reach areas and the poorest of the poor,” pahayag ni Huelgas, isang ganap na Sarhento mula sa Flight Alpha ng PAF.

“When the world wanted us to stay home and safe, we were out there to help the best way we could,” aniya.

Nagretiro si Huelgas sa national team matapos ang 2018 Asian Games, ngunit nagpatuloy pa rin sa kanyang paglilingkod sa mga mamamayan. Si Huelgas ang kasalukuyang Chairman ng Philippine Olympic Committee’s Athletes’ Commission.

“A big thank you to Brigadier General Aries Gonzales of the Philippine Air Force, Major Jacqueline Jimenez of TOWNOL, and the rest of the units both from the Army and Airforce that we’ve worked with in fighting the enemy, COVID. I would also like to thank Chooks-to-Go for always supporting me in my drives,” sambit ni Huelgas.

“Our Manok ng Bayan mission will continue.”