SA January 28 episode ng Tutok to Win, humingi ng paumanhin si Willie Revillame sa maraming taong dumagsa sa Will Tower dahil hindi niya sila naharap. Gustuhin mang bumaba ni Willie para personal na harapin ang may 4,000 katao na pumunta sa Will Tower, hindi siya pinayagan ng mga pulis.
Sigurado kasi na lalong magkakagulo kung bumaba at nagpakita siya sa mga tao na nabiktima ng text message na mamimigay ng pera si Willie noong birthday niya ng Jan. 27, kaya nagsuguran ang mga iton sa Will Tower.
Sabi ni Willie, “Siguro almost 4,000 po ang tao dito na dumating. Humihingi ako ng kapatawaran, pasensiya sa inyo, sa pag-unawa dahl alam niyo naman ho na kailangang sumunod tayo sa batas, sa social distancing. Alam ko pong gusto niyo akong mabatim gusto ko ho kayong mapuntahan sana pero hindi po ako puwedeng bumaba. I’m sorry dahil pinigilan ako ng mga puls dahil baka po may mangyari pang hindi maganda so iniiwasan nap o ‘yan. Sana maintindihan n’yo po. Kaya nga ho ginawa ‘tong ‘Tutok to Win’ para hindi na ho kayo bumiyahe dito hindi po ba?”
Binanggit ni Willie na may nagpakalat ng fake news na mamimigay siya ng pera noong birthday niya, kaya nagdagsaan ang tao sa Will Tower.
At may pangako siya sa lahat ng kanyang supporters.
“Eto pangako ko sa inyong lahat, once na matapos itong pandemiya na ‘to at pupuwede tayong magsama-sama ulit, makikiusap ako sa pamahalaan, kung hindi man dito sa Quezon City, maaaring sa Maynila, maaaring sa MOA, sa Aranet... siguro mas maganda sa open ‘no, sa Luneta, gagawa ako ng programa na handog para sa inyo, isang selebrasyon po. Kaya ipagdasal nating lahat na matapos na po itong pinagdadaanan natin, hindi lang po sitosa ating banda, sa buong mundo.’Wag kayo mag-alala, ‘pag natapos ‘to, may magandang regalo naman ako sa inyo,” sinabi ni Willie.
-Nitz Miralles