Pinagharian ni United States chess champion Karl Victor Ochoa ng Malolos, Bulacan ang All Filipino Arena tournament na ginanap sa online nitong Linggo.
Para talunin ang kanyang mga katunggali, si Ochoa, 29, miyembro ng Iloilo Kisela Knights ay nakapagtala ng 71 Arena points, 3 points ahead kay second placer Don Tyrone Delos Santos ng Pasay City sa event na inorganisa ng Bayanihan Chess Club sa pakikipagtulungan ng Skin Magical Dist4 ,CARSIGMA Cavite at ng PER Solutions, Inc company, isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng birthday celebration nina International Master Petronio Roca at Mam Elvira Roca.
Naibulsa ni Ochoa ang P3,000 sa kanyang efforts habang naiuwi naman ni Delos Santos ang P2,000 sa one minute plus one second increment time control format na ginanap sa lichess platform na nasilayan ang 433 woodpushers.
Umeksena din si Narquingel Reyes ng Rodriguez, Rizal na nasa third na may 65 points kasunod si fourth placer Fide Master Alekhine Nouri ng Escalante City, Negros Occidental na may 61 points at fifth placer Dale Bernardo ng Angeles City, Pampanga na may 60 points. Nakatangap ang tatlo ng tig P1,000, P500 at P300, ayon sa pagkakasunod.