MAGSISILBING tournament director si Eric Altamirano sa ilulunsad na 3x3 tournament ng Philippine Basketball Association (PBA).

Sa ginanap na online press conference nitong Huwebes, sinabi ni PBA 3x3 chairman Richard Bachmanna lalahok anglahat ng koponan ng liga, kasama ang limang guest team, habang tinanggap na umano ni Altamirano ang posisyon.

“We are welcoming Eric Altamirano as tournament director. I’ll be meeting him together with Ronnie [Magsanoc] and Joey [Guanio] maybe by Wednesday or Thursday to discuss the plans for 3-on-3,” pahayag ni Bachmann.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bahagi si Altamirano sa pagtaas ng kamalayan sa 3x3 nang maging Commissioner ng kauna-unahang 3x3 pro league sa bansa – ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na binuo ni league owner Ronald Mascarinas.

Bago sa nagbitiw sa naturang puwesto, si Altamirano rin ang nagsilbing league sa Calamba, Laguna.

Marivic Awitan