HUMIRIT na ang professional sports. Panahon na para naman sa amateur at grassroots sports stakeholders.

SIGURADO na hydrated ang mga miyembro ng National Team, kabilang ang karate group, sa kanilang pagsasanay sa ‘bubble training’ sa Inspired Academy sa Los Banos, Laguna sa supply ng pakner na Pocari Sweat.

SIGURADO na hydrated ang mga miyembro ng National Team, kabilang ang karate group, sa kanilang pagsasanay sa ‘bubble training’ sa Inspired Academy sa Los Banos, Laguna sa supply ng pakner na Pocari Sweat.

Ipinahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na isusulong ang naunsiyaming Sports Summit sa pamamagitan ng online interaction upang makasunod sa itinatakdang ‘safety and health’ protocol ng Inter- Agency Task Force (IATF).

Orihinal na nakatakda ang Summit nitong Disyembre, ngunit naiuring bunsod nang patuloy na quarantine sa kabuuan ng bansa dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, maisasalba ang programa sa modernong teknolohiya.

“We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were almost three decades ago,” pahayag ni Ramirez. Ngunit, sa kagustuhang mapagbigyan ang paglahok ng malaking bilang ng sports leaders at akademya, minabuti ng PSC na gawin three-part program ang Summit simula sa Enero 27.

“Marami tayong participants. Gusto natin na mapagbigyan ang lahat lalo na yung mga sports leaders natin sa mga probinsiya,” sambit ni PSC Commissioner Charles Maxey.

Limitado lamang sa 100 ang kayang makalahok sa isang zoom meeting kung kaya’t minabuti ng PSC na gawing tatlong okasyon ang Summit na layunin na madetermina ang kasalukuyang estado ng Philippine sports para makagawa ng mga bagong resolusyon.

Nitong huling linggo ng Disyembre, isinagawa ng Games and Amusements Board (GAB) ang ikalawang Professional Sports Summit via online.

Inilunsad ang National Sports Summit noong 1992 kung saan 38 resolusyon ang inilatag sa hangaring mapabuti ang national sports environment sa bansa.

Kabuuang 25 sports topics ang tatalakayin sa 2021 edition na sisimulan ng ‘Sports Conversations’.

Magiging tagapagsalita sa first batch ng sesyon sina United Sports Academy (USSA) president T.J. Rosandich, Philippine Sports Institute (PSI) Dean of Philippine Sports Henry Daut, DAVNOR Sports Development Head Giovanni Gulanes at UP professor Tessa Jazmines.

Nagpatala na para sa sports summit ang halos 1,000 registrants na kinabibilangan ng mga sports educators, athletes, coaches, LGU coordinators, national sports associations at private stakeholders.

-Edwin G. Rollon