NAKATAKDANG magbalik-bayan si Kai Sotto upang maglaro sa Philippine men’s basketball team Gilas sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na idaraos sa Clark, Pampanga.

“I’m heading home soon,” pahayag ni Sotto sa kanyang social media account.

Nakabase sa US ang 7-foot-2 cage phenom na kasalukuyang nagsasanay kasama ng Team Ignite bilang paghahanda sa darating na season ng NBA G League.

“Sobrang excited ako sa binigay na opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window. Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa aking pangarap na makapaglaro para sa bayan, at sa tamang panahon, sa NBA,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

-Marivic Awitan