MATSITSISMIS nito sina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa pinost ni Rufa Gutierrez na naghaharutan ang dalawa sa bahay ni Derek sa Ayala, Alabang. Nag-host ng dinner si Derek sa bago niyang bahay at inimbita ang mga kapitbahay niyang sina Rufa at Ellen at sa mga nakita naming litrato, hindi lang masarap na dinner ang handa ni Derek, nagkaroon din sila ng katuwaan.

derek at ellen

Ayun na nga, sa photos na pinost ni Rufa sa IG Stories, makikitang naghaharutan ang dalawa, pero sabi ni Rufa, “Walang malisya” pero mapipigil ba ang netizens na mag-comment at may nanguna na nga na hindi raw sila magugulat kung in the future maging sina Derek at Ellen.

Kapag nangyari ito, walang masama lalo na at pareho silang single. In fact, may shippers na sina Derek at Ellen, bagay daw ang dalawa at may chemistry sila.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Sa mga lumabas pa ring litrato, may mga litrato si Ellen with Derek’s dad at iba pang bisita sa dinner na si John Estrada. Makikitang nag-enjoy ang lahat dahil nagsayawan pa.

Anyway, may nakapansin na parehong ex ni John Lloyd sina Elle at Rufa at ngayon, magkapitbahay pa sa Ayala Alabang at magkaibigan. Ano kaya ang magiging reaction ni John Lloyd dito?

-NITZ MIRALLES