TARGET ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na magkaroon ng sariling tahanan ang Olympic body bago matapos ang kanyang termino.

Sa kasalukuyan, ang tanggapan ng POC ay nasa Philsports Complex sa Pasig na pag-aari ng pamahalaan. Bago ito, nakiki-opisina rin sila sa Philippine Sports Commission (PSC) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Umaasa si Tolentino na makakakita sila ng tamang lugar na akma sa estado ng POC.

“Mabigat mang sabihin, we’re not informal settlers, pero nakikitira lang kami for the past years sa facilities ng PSC."

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Malungkot mang sabihin, baka isa sa buong mundo, o sa Asya o kaya sa ASEAN, unlike other countries, ang Pilipinas lang ang walang permanent office building ang POC,” ayon kay Tolentino.

“In my term, sana naman  magkaroon ng permanent office building (ang POC). That’s one of my major dreams and agenda in my four-year term in the POC,” aniya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ni Tolentino na makatagpo ng tanggapan sa loob ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ground.

Marivic Awitan