SA Balesin Island Club sa Polilio, Quezon nagpalipas ng New Year ang Escudero Family, si Sorsogon Governor Chiz, ang wife niyang si Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista at ang twins niyang sina Quino at Chessi. Matatandaan na sa Balisin Island idinaos ang wedding nina Gov. Chiz at Heart in 2015.

heart

Sa Instagram niya, sinulat ni Heart ang “Welcoming the new year with the ones who mean the most to me. This year didn’t turn out how we hoped it would, but still, we are so grateful that we are healthy and strong. This year gave us a chance to reflect and remember what matters most: family ang love. Cheers to a brand new year filled with experiences, challenges, and opportunities for growth. I’m so excited for what 2021 will hold.”

At sorpresa nga ni Heart sa kanyang mga fans ang once a week na sweeping romance drama na gagawin niya sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon. Tamang-tama naman na matatapos na ang replay ng kanyang My Korean Jagiya na napapanood sa GMA telebabad gabi-gabi after ng Love of my Life.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Story ito ng isang young woman na isang fashion socialite, na nang bumalik sa kanyang hometown, at ma-discover ang kanyang pinagmulan, ay muling babalik ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya, community at ng isang dating boyfriend.

Excited na ang mga fans ni Heart kung sino ang makakatambal niya sa weekly series, na tiyak na isu-shoot sa Sorsogon.

-Nora V. Calderon